Hanga ang Philippine Sports Commission (PSC) sa naging tagumpay ng mga atletang Pilipino sa Southeast Asian (SEA) Games.
Sa pinakahuling tala, nangunguna pa rin ang Pilipinas kung saan hindi bababa sa 300 mga medalya ang nasungkit ng Pilipinas sa iba’t-ibang sports events.
Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, nagbunga ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ng mga Pilipinong manlalaro.
Gayundin aniya ang pagsisikap ng gobyerno na isabak sa iba’t-ibang international sports event ang Pinoy athletes upang mas mahasa pa sila.
Mamayang hapon ay opisyal nang isasara ang SEA Games sa pamamagitan ng closing ceremony na gaganapin sa New Clark City.
The PSC spent more than a billion for their training abroad, equipments, their food, their supplements, their psychologist, nutrionist and all that. So, ready na ready talaga yung mga atleta and as I’ve said they stick up to their performances,” ani Fernandez. — sa panayam ng Ratsada Balita.