Kumpiyansa ang Philippine Sports Commission na masosolusyonan ng 31st SEA Games organizers ang mga reklamo ng mga Pinoy athlete sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Sports commissioner at Hanoi SEA Games chef de mission Ramon Fernandez, normal lang na magkaroon ng reklamo kung kaligtasan ang pag-uusapan.
Sinabi ni Fernandez na ilan sa mga reklamong naiparating nila sa SEAG organizers ay ang kawalan ng koordinasyon sa kanilang Hotel, kakulangan ng sasakyan na magagamit ng mga atleta papunta sa mga playing venues at ang sisiksikan o pag-overload ng mga bus dahil sa dami ng nakasakay.
Iginiit ni Fernandez, na dapat ay magkaroon ng maayos na pamamalakad ang mga organizer ng SEA Games dahil maraming atleta ang nangangamba na baka magkaroon ng hawaan ng COVID-19 dahil sa kawalan ng social distancing at pagsisiksikan sa mga sasakyan.
Dagdag pa ni Fernandez na idinadaan na lamang nila sa Antigen test ang kanilang reklamo upang makasiguro na ligtas laban sa nakakahawang sakit.