Maglalabas ng dalawang milyong pisong halaga ang Philippine Sports Commission (PSC) para matulungan ang mga nasalantang residente sa visayas at mindanao.
Pangungunahan ni Father Vicente Uy sa tulong ng LGU’s, unibersidad, at parokya ang pamamahagi ng “care packages” sa mga apektadong residente.
Matatandaang noong Lunes, nakipagtulungan ang PSC sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamahagi ng nasa sampung libong bottled water at 900 units ng kubre-kama sa Bohol.
Una pa rito inaprubahan din ng PSC board ang pagbibigay ng 15,000 pesos financial assistance para sa bawat atleta at coach na naapektuhan ng bagyo. —sa panulat ni Joana Luna