Ipinag-utos na ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang pagsasagawa ng relief operations sa mga miyembro ng national team na naapektuhan ng bagyong Odette.
Nagpulong ang P.S.C. Management Committee, sa pangunguna ni P.S.C. Executive Director, Atty. Guillermo Iroy Jr., upang agad ayusin ang gamit at pondo para sa relief operations.
Tiniyak naman ni Ramirez na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ayudahan ang mga atletang naapektuhan ng kalamidad.
Minomonitor na rin ng P.S.C. ang sitwasyon ng Philippine National team members sa Visayas at Mindanao.
Samantala, nakipag-ugnayan na ang ahensya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa paghahatid ng mga gamit tulad ng mga kutson at mga bote ng tubig.