Nasungkit ng tatlong mananaya ang 98 milyong pisong halaga ng jackpot prize sa 6/45 lotto draw.
Nanawagan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga mananaya dahil hindi pa umano nakukuha ang nasabing premyo.
Unang nakahula ang dalawang mananaya mula Batangas City, Batangas at Muntinlupa City sa isinagawang 6/45 lotto draw noong Hulyo a-26, 2021 kung saan may nakalaang premyo na 36 na milyong piso.
Habang ang ikatlong nanalo naman mula sa Baguio City ay nakukuha ng tumataginting na 62 milyon sa 6/45 Lotto draw na binola nito lamang Pebrero a-18, 2022.
Ayon sa PCSO, hanggang sa ngayon ay wala pang natatanggap na tawag o anumang mensahe ang kanilang ahensya mula sa mga lotto wnner.
Nilinaw ng PCSO na sakaling hindi pa rin makuha ang nasabing premyo hanggang sa Hulyo a-26, 2022 ay forfeited na ito at idadagdag na lamang sa charity fund ng PCSO. – sa panulat ni Angelica Doctolerto