Magpapatuloy na ang trading sa Philippine Stock Exchange (PSE), Bukas Marso 19.
Ito ay matapos ng dalawang araw na pagsasara kasabay ng pagasailalim sa community quarantine ng Metro Manila at pagpapatupad ng enhanced community sa buong Luzon.
Ayon sa PSE, magbubukas ang trading alinsunod sa regular na oras ng pagbubukas nito na 9:00 a.m. ng umaga.
Gayunman maaga itong magsasara ng 1:00 p.m. ng hapon.
Hindi rin anila papayagang makapasok sa trading floor ang mga participants.
Ang Pilipinas ang unang bansa na nagsara ng trading market sa buong mundo dahil sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).