Mas masiglang nagsara sa pagsisimula ng taon ang Philippine Stock Exchange o PSE sa unang araw ng trading nito nitong Miyerkules, Enero 3.
Batay sa datos mula sa PSE, nagsara sa 8,724.13 points ang stock index na 1.94% o 165.71 points ang itinaas mula sa closing index na 8,558.42 points noong Disyembre 29 ng nakalipas na taon.
Ayon sa PSE, ito na ang pinakamataas o all time high sa trade index sa kanilang kasaysayan kung saan, patunay ito ng patuloy na kumpiyansa ng mga negosyante sa harap ng mga usaping bumabalot sa bansa.
January 3, 2018: PSEi closed at a new all-time high of 8,724.13, up by 165.71 points or 1.94 percent. #PSEiupdate pic.twitter.com/OjGtsLMpjG
— Phil. Stock Exchange (@PhStockExchange) January 3, 2018
Kasunod nito, ipinabatid din ng PSE na hindi apektado ng pagtaas ng transaction tax ang kalakalan kasunod ng pag – iral ng ipinasang tax reform law.