Binalaan ng Presidential Security Group (PSG) ang sinumang magbabanta sa Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang social media.
Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante lll, maituturing na inciting to sedition at paglabag sa cybercrime prevention act ang pagbabanta sa pangulo.
Sinabi ni Durante na napuna nila ang mga grabeng pagbabanta sa pangulo sa social media kaya’t hiningi nila ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).
Matatandaan na dalawa katao na ang naaresto ng NBI dahil sa pagpopost na magbibigay sila ng reward sa sinumang makakapatay sa pangulo.