Mariing itinanggi ng Presidential Security Group o PSG ang impormasyon na kabilang ang isa sa kanilang tauhan sa nahuli sa drug buy bust operation kahapon, malapit sa Malacañang.
Ayon kay PSG Chief Brigadier General Lope Dagoy, marahil ay nagkamali lamang ng dinig ang ilang sa mga taga-media dahil taga-PSPG o Police Security and Protection Group ng PNP ang tumatayong security detail ni Diana Yu Uy, anak ng tinaguriang drug queen na si Yu Yuk Lay.
Kinilala ni Dagoy ang nahuli na taga-PSPG na si PO3 Walter Vidal at wala aniya itong koneksyon sa PSG.
Dagdag pa ni Dagoy, kabilang ang PSG sa nagkasa ng anti-drug operation kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at PNP-National Capital Region Police Office.
—-