Pinag-aaplay ang Presidential Security Group (PDG) ng special permit sa Food and Drug Administration (FDA) para mabakunahan ang lahat ng tauhan nito.
Ito ang payo ng Malakanyang sa psg matapos sabihin ni FDA Undersecretary Rolando Enrique Domingo na maaari silang maglabas ng special permit kung kailangang-kailangan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas makabubuti na sundin ng PSG ang prosesong sinabi ni Domingo para mabigyan ang mga ito ng special permit lalo’t hindi naman lahat sa kanilang hanay ay nabakunahan.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang pagbabakuna sa mga miyembro ng psg dahil sa itinurok na COVID-19 vaccine na hindi pa naman ito rehistradong gamitin sa bansa.