Hindi sang-ayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa binitawang pahayag ng commander ng Presidential Security Group na si Brigadier General Lope Dagoy laban sa Malacañang reporter ng Rappler na si Pia Ranada.
Ito’y matapos sabihin ni Dagoy na dapat pang magpasalamat si Ranada dahil hindi ito sinaktan ng PSG sa kabila ng pambabastos umano nito kahapon nang hindi agad papasukin sa Malacañang.
Ayon kay Lorenzana, hindi tama ang pahayag ni Dagoy kay Ranada.
Kahit ano pa anya ang naging paglabag ng Rappler, walang karapatan ang PSG na saktan o pagbantaan ang mga tao nito.
Matatandaan na nitong mga araw lang na ito ay ipinagbawal na ng Pangulo ang pag-cover ni Ranada ng mga events sa loob ng Palasyo ng Malacañang.
Defense Sec Lorenzana on PSG Commander’s remark vs Rappler reporter: That remark is uncalled for and really off the mark. Whatever the Rappler’s offense, the PSG has no right to harm Rappler’s people or threaten them @dwiz882
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 21, 2018