Binuksan na ng Philippine Science High School (PSHS) sa Quezon City ang kanilang campus para sa mga pasyente at empleyado ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Emerging of Infectious Diseases (IATF) na ang hakbangin ay tulong ng Pisay sa gitna ng matinding laban ng Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19.
Bukod sa Pisay, nagbukas na rin ng pintuan ang La Salle Greenhills para gawing pansamantalang tirahan ng mga duktor, nurse at iba pang health workers na nagta trabaho naman sa Medical City.
Umaasa si nograles na magiging inspirasyon sana sa iba ang naging hakbangin ng Pisay at La Salle.