Iminungkahi ng isang eksperto na dapat magkaroon na ng psychological test ang mga motoristang kukuha ng driver’s license.
Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang road rage sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Doctor CAmille Garcia, na sa halip na renewal sa mga lisensya, isailalim na lamang sa psychological test at drug test ang mga motorista kada tatlong taon upang maibsan ang away kalsada.
Dismayado rin si Dr. Garcia sa mga pilipinong inuuna ang pagvi-video sa halip na awatin.
Pinayuhan naman ng eksperto ang mga motorista na maging mahinahon sa pagmamaneho at maging defensive driver.