Iginiit ng Land Transportation Office na dapat sumailalim sa psychological tests ng mga driver na kakaiba ang kilos o kaya’y nasangkot sa ano mang insidente.
Ito ay matapos banggain ng isang driver ang traffic enforcer dahil sa paninita nito sa Taguig City.
Sa kasalukuyan ay suspendido ang lisensya ng nasabing driver.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, titiyakin nilang mananagot ang naturang motorista at sisiguraduhing psychologically fit ito bago payagang makapagmaneho muli.
Dagdag pa ni Chief Mendoza, nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa mga psychologist kaugnay ng kanilang planong psychological tests para sa mga driver.