Isinailalim sa mandatory psychological testing ang lahat ng mga aplikante sa pagiging head revisors sa gagawing manual recount ng mga balota sa pagka-Bise Presidente sa Marso 19.
Ito ang nakasaad sa dalawang pahinang internal memorandum ni Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa kaugnay ng electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Nakasaad din sa naturang memorandum na dapat kumuha ng dalawang karagdagang psychometrician na siyang magsasagawa ng pagsusuri para sa mga head revisors.
Maliban sa psychological exam na gagawin sa mga aplikante, daraan din ang mga ito sa intensive training sa ilalim ng pangangasiwa ng SET o Senate Electoral Tribunal.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio