Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga Public Telecommunications Entities (PTE) sa bansa na magpatupad ng mga kinakailangang adjustments para sa maayos na serbisyo ngayong holiday season.
Bukod dito, ipinasisiguro rin ng ahensya na walang magaganap na interruption sa lahat ng kani-kanilang mga serbisyo.
Sa ibinabang memorandum ng NTC, maging ang mga mobile sites sa Visayas at Mindanao ay kailangang din ihanda
Bukod sa cellphone signals, iniutos din ang pagpapakalat ng mga standby generators na mayroong spare fuel, tools at ilang spare equipment.