Pinuri ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagkakaaresto ng mga awtoridad sa isa pang suspek sa Ampatuan massacre sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao noong 2009.
Sa report na isinumite sa PTFoMS, kinilala ni Maguindanao Police Provincial Office provincial director Police Col. Donald Madamba ang nadakip na si Andami Singkala o alyas Yamani Baga Dimaukom.
Ayon naman kina PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, patuloy na mino-monitor ng kanilang tanggapan ang ginagawang pagtugis ng mga awtoridad sa mga natitira pang suspek sa masaker.
Matatandaang limampu’t walong indibidwal ang nasawi, kabilang ang mahigit tatlumpung mamamahayag, matapos tambangan ang convoy ni dating Vice Mayor Esmael Mangudadatu noong Nov. 23, 2009.