Off-limits sa Private Media ang coverage sa inagurasyon at oath-taking ni President elect Rodrigo Duterte sa June 30.
Ito ang ipinabatid ni incoming Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Ipinaliwanag ni Andanar na hindi kakayaning ma-accomodate ang maraming tao sa Rizal Hall.
Aniya, limitado lamang sa 500 katao ang Rizal Hall kaya’t tanging ang Radio Tv Malacañang o RTVM at PTV-4 lamang ang papapasukin sa palasyo.
Sinabi pa ni Andanar na maglalagay sila ng set-up sa Malacañang briefing room at sa Press working area para i-monitor doon ang mga kaganapan sa inagurasyon at oath-taking ni Duterte.
By: Meann Tanbio