Mahihirapan na ang publiko na magkaroon ng ‘access’ sa SALN o Statements of Assets, Liabilities and Net worth ng mga mambabatas sa isang resolusyon na inihain sa Kamara.
Sa isinusulong na House Resolution 2467, nakasaad na kailangan munang pagbotohan at aprubahan ng plenaryo bago nito ilabas ang kopya ng SALN ng isang mambabatas.
Nakasaad rin sa ilalim ng resolusyon na ito na kailangang magbayad ng 300 piso ng isang indibidwal na hihingi ng kopya ng SALN ng mga mambabatas.
Samantala, inalmahan naman ng palasyo ng Malacañang ang panukalang ito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat mabilis at madaling makuha ng publiko ang kopya ng SALN ng sinumang mambabatas.
—-