Tatalakayin ni US President Barack Obama sa kanyang oval office address ngayong umaga ang pagpuksa sa Islamic State (IS).
Gagawin ni Obama ang kanyang talumpati pagkatapos ng sunod-sunod na pag-atake ng mga teroristang grupo sa iba’t ibang kaalyadong bansa ng Estados Unidos.
Ayon kay Josh Earnest, tagapagsalita ng White House, isasalaysay ni Obama ang mga banta ng terorismo na kinakaharap ng Estados Unidos at kung papaano nila mapapagtagumpayan ito.
Nakatakda din ilahad ni Obama ang mga ginagawang hakbang ng Amerika para mapanatiling ligtas ang kanilang bansa kasunod ng mass shooting at suicide bombing sa Paris at maging ang 9/11 attack sa New York at Washington.
Ayon sa kalihim, magbibigay ng update ang Pangulo sa kalagayan ng ginagawang imbestigasyon sa mass shooting sa San bernardino, California na ikinasawi ng 14 na sibilyan.
By Mariboy Ysibido