Muling iginiit ng grupo ng women’s rights group sa gobyerno ng Japan ang paghingi ng paumanhin sa mga Filipina comfort women noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Ito’y makaraang magkasundo ang Japan at South Korea para mabigyang kompensasyon ang lahat ng Korean comfort women na ginawang sex slave ng mga sundalong hapon.
Ayon kay Lila Pilipina Executive Director Rechilda Extremadura, dapat ding magkaroon ang pilipinas at japan upang maisara na ang mahigit pitumpung taong issue.
Patuloy anya ang kanilang pag-apela ng hustisya para sa mga pinay na inabuso noong World War 2 kahit tila walang ginagawa ang gobyerno ng Pilipinas.
Plano naman ng grupo na maglunsad ng iba’t ibang aktibidad sa pagbisita ni Japanese Emperor Akihito sa Maynila sa January 26 hanggang 30 bilang protesta sa kawalan ng aksyon.
By: Drew Nacino