Malaking bagay na ang public apology ni Customs Commissioner Bert Lina para sa mga OFW dahil sa pagbubukas ng kanilang blaikbayan boxes.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Senador Cynthia Villar bilang reaksyon sa tila hindi pag-welcome ng mga OFW sa nasabing hakbang ni Lina.
“Malaking bagay na po na sinabi niya in public hindi po ba? Kasi alam niyong masyadong dinamdam n gating mga OFW ang nangyari na ‘yan at sana ang paghingi ng paumanhin na ‘yun kahit na sabihin nila baka ang issue ay hindi sincere, eh malaking bagay na po ‘yun kasi sinabi naman po in public.” Pahayag ni Villar.
Kaugnay nito, natutuwa ang mga senador sa paghingi ng sorry ni Customs Commissioner Bert Lina sa mga OFW’s dahil sa pagbubukas ng mga balikbayan boxes nitong mga nakalipas na linggo.
Sinabi sa DWIZ ni Senador Cynthia Villar na isang magandang hakbangin ang pagsunod ni Lina sa kanilang kahilingang mag-sorry sa mga OFW lalo na’t wala namang mga iligal na gamit na nakita sa mga binuksang balikbayan box.
“Napaka-pangit na pakinggan na ang ating mga OFW ay pinagbibintangan na nagpapasok ng mga drugs at firearms sa kanilang balikbayan box na hindi naman totoo, kasi ang sinasabi po ng mga representative ng mga OFW’s ay nakakasira rin sa pangalan ng mga OFW’s, hindi nila ito ginagawa dahil hindi naman mawawala ang hanapbuhay nila kapag sila nahuli na gumagawa nito.” Pahayg ni Villar.
By Judith Larino | Kasangga Mo Ang Langit