Ipinag-utos na ng National Telecommunications Commission sa lahat ng regional directors na maglagay ng public assistance desk at makipag-ugnayan sa NDRRMC At radio groups.
Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga bibiyahe sa iba’t-ibang panig ng bansa sa undas.
Inatasan din ng NTC Ang mga regional directors na gamitin ang mga radyo sa kanilang mga lugar at tumulong sa NDRRMC, Civic Action Groups (CAG) at Amateur Radio Groups (ARG).
Pinagsusumite rin ng komisyon hanggang bukas ang mga direktor ng electronic copy ng pangalan ng mga CAG at ARG; mga sakop na lugar o ruta; gagamiting frequencies; point persons at kanilang numero;
Pansamantalang lokasyon ng radio base stations at tagal ng operasyon. —sa panulat ni Drew Nacino