Muling nagsagawa ng public consultation ang kamara kaugnay sa Maharlika Wealth Fund.
Ito ay para mapakinggan ang panig ng mga stakeholders at tugunan ang agam-agam kaugnay dito.
Kabilang sa inaasahang magaganap sa konsultasyon ang pagbusisi sa panukala.
Una rito, sinabi ni Banks and Financial Intermediaries Vice-Chair Joey Salceda na target ipasa ng kamara ang MWF bago ang Christmas break ng Kongreso.
Welcome naman para kay Marikina representative Stella Quimbo, isa sa mga may-akda ng panukala, ang “inputs” na binanggit ng resource persons.
May sapat kasi aniyang safeguard ang MWF tulad ng pagsalang sa internal at external review, auditing ng commission on audit, oversight powers ng kongreso, at naipaabot sa Pangulo.
previous post