Nagsisimula nang makipag-konsultasyon ang COMELEC sa iba’t ibang sektor para sa barangay elections sa Oktubre.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na layunin nitong hikayatin ang malaking bilang ng mga botante na bumoto sa barangay elections.
Kasama na rito ang mga Senior Citizen, kababaihan, indigenous people, PWD, at LGBT upang masiguro na magkakaroon ng gender equality sa halalan sa mga barangay..
Sa isinagawang COMELEC Gender and Development Consultative Planning Conference, naging panauhin ang kauna-unahang nahalal na Transgender na si Representative Geraldine Roman ng unang distrito ng Bataan.
Sinabi ni Commissiner Rowena Guanzon, na siyang pinuno ng Gender and Development ng COMELEC, nais nilang magkaroon ng gender equality.
Kaya naman hinihikayat nila na tumakbo ang mga babae upang maging tig singkwenta porsyento ang bilang ng mga opisyal na babae at lalaki.
By: Avee Devierte