Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na kasado na ang public consultation para sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Vaporized Nicotine Products Regulation Act (VAPE) Law sa Lunes, Oktubre a-24.
Ayon kay Trade secretary Ruth Castelo, bukas ito para sa lahat ng interesado sa pagbuo ng IRR para maikonsidera ang lahat ng kumento at suhestyon hinggil sa kontrobersyal na panukala.
Matatandaang naisabatas ito noong Hulyo kung saan ibinaba sa 18 years old ang minimum age requirement sa pag-access ng Vape products.
Bahagi rin ng batas ang paglilipat sa DTI ng kapangyarihan dati ng Food and Drug Administration na i-regulate ang pag-angkat, paggawa, pagbili, pamamahagi at paggamit ng naturang produkto. —sa panulat ni Hannah Oledan