Kinailangang limitahan ang mga public engagements ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa at pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Ito ang paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mabigo ang Presidente na makadalo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan (Day of Valor) na ginanap sa Mr. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan kahapon.
Matatandaang huling nakita ng publiko si Pangulong Duterte noong Marso 29 sa isang public address, gayundin sa pagdating ng isang milyong Covid-19 vaccine doses mula sa Sinovac Biotech ng China.
Hindi rin natuloy ang lingguhang ‘talk to the nation’ ng Pangulo noong Miyerkules makaraang tamaan ng coronavirus ang maraming miyembro ng Presidential Security Group (PSG).