Hinimok ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang pamahalaan na alisin na ang COVID-19 State of Public Health Emergency sa bansa.
Ayon sa kalihim, hindi na nagdudulot ng emergency ang COVID-19 dahil maaari na itong magamot katulad nalang ng ibang sakit gaya ng influenza, ubo at trangkaso.
Kumpiyansa si Sec. Herbosa, na mababa ang tiyansa at wala nang nakikkitang krisis o banta sa buhay ang Corona Virus kaya dapat nang tanggalin ang pagpapatupad ng Public Health Emergency Status.
Matatandaang march 2020 o kasagsagan ng pandemya, nang ideklara ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency kung saan, sa ilalim ng Proclamation 922, mananatili parin ang implementasyon hangga’t hindi pa binabawi o inaalis ng kasalukuyang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.