Agad na magpapatawag ng public hearing si Senate Committee on Public Order Chairperson Grace Poe sa oras na lumitaw sa isinasagawang imbestigasyon ng Inter-Agency Committee na may kinakailangang legislation para hindi na maulit ang malagim na sunog sa Ugong, Valenzuela City.
Pero, ayon kay Poe, sa ngayon ay kinukumpleto pa ng binuong interagency committee ang kanilang imbestigasyon sa indsidente.
May mga expertise aniya ang ehekutibo at sila ang may pangunahing hurisdiksyon sa naturang fire incident kaya’t makabubuting hintayin muna ang magiging resulta nito.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)