Binuksan na ng Kongreso ang mga public hearings kaugnay ng isinusulong na pagbuhay sa parusang kamatayan.
Sa inisyal na pagdinig ng Sub-committee on Judicial Reforms, kinuwestiyon naman ni Opposition Rep. Edcel Lagman ng Albay kung bakit hindi inimbitahan ang mga resource persons na tutol sa panukala.
Ngunit, nilinaw ni Sub-committee Chairman Rep. Vicente Veloso na isasama na ang magkabilang panig sa mga susunod na pagdinig.
Batay sa death penalty bill nina Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas at iba pang house leaders, masasaklaw na sa mga papatawan ng bitay ang mga drug-related cases.
Una nang napaulat na kasama ang pangalan ni Veloso sa listahan ng mga pulitikong idinawit ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. sa illegal drugs.
By Jelbert Perdez