Tinapos na ng United States Congress ang mga public hearing ukol sa impeachment trial ni U.S President Donald Trump.
Umabot sa 12 witnesses ang humarap sa 5 araw na pagdinig kung saan kabilang sa mga humarap ang ilang dating top White House officials, U.S. Ambassador to Ukraine at European Union Ambassador.
May kinalaman ang pagdinig sa naging pag-uusap nina Trump at Ukrain President kung saan pinaiimbestigahan si dating
Vice President Joe Biden.
Inaabangan sa ngayon ang magiging desisyon ng inteligence committee at dalawa pang house panels kung may basehan ang reklamo kay Trump sa articles of impeachment.