Kasado na ang public hearing ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa isinusulong nitong gawin din sa mga mall ang pagboto para sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Commission on Elections COMELEC Chairman Andres Bautista, iimbitahan nila sa nasabing pagdinig ang mga political party gayundin ang publiko para marinig ang kanilang pananaw hinggil dito.
Sinabi ni Bautista na isasagawa nila ang public hearing bago matapos ang buwang ito.
By Judith Larino