Nakatakdang makatanggap ng P1,000 insentibo ang mga pampublikong guro sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day ngayong buwan.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, bukod sa P1,000 ay makatatanggap din ang mga ito ng P500.00 para sa medical expenses.
Ang tulong pinansyal aniyang ito ay hakbang para sa pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga guro sa gitna ng pandemya.
Nuong nakaraang buwan sinabi ng DepEd na umabot sa walong daan at dalawamput tatlong tauhan nito at mga estudyante ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Una rito ipinabatid ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na ang mga kawani ng deped kabilang na ang mga guro na magpopositibo sa COVID-19 ay maaaring makapag-bayad ng kanilang medical expenses sa pamamagitan ng benefit packages na inaalok ng Philhealth.