Tiniyak ng Manila Water na may sapat na suplay ng tubig sa mga public service institutions.
Kabilang sa mga ito ang paaralan, Daycare centers, public markets, hospitals, health centers at mga bahay ampunan.
Ayon kay Jeric Sevilla, Manila Water’s Group head for Corporate Communication Affairs, na noon pa ay misyon na anila ang pagpapatubig at sanistasyon hindi lamang sa loob ng mga tahanan kundi maging sa public service institutions.
Kaugnay nito, nagsagawa na ang Manila Water ng rehabilatasyon sa mga linya ng tubig patungo sa naturang mga institusyon.
Bukod pa rito, napatayuan na rin ng drinking fountains at wash areas sa mga paaralan, day care centers at ospital upang labanan ang COVID-19 virus. —sa panulat ni Jenn Patrolla