Pinalagan ng Commission on Human Rights (CHR) ang ginawang pagpaparada ng pulisya sa Negros Occidental sa mga residente nitong nahuli nilang hindi nagsusuot ng face mask.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, bagama’t pabor sila sa pagpapatupad ng health protocols laban sa COVID-19, hindi naman tama na maging ang karapatang pantao ay nalalabag dito.
Sa pagpapatupad aniya ng batas, sinabi ni De Guia na dapat masunod pa rin ang tinatawag na human rights principles kaya’t hindi katanggap-tanggap ang panghihiya na ito ng pulisya.
Nakadidismayang malaman na mismong ang mga alagad ng batas pa ang siyang nangunguna sa panghihiya sa mga Pilipino at ibinibida pa nila iyon online.