Ibinaba na ang lahat ng public storm signal kaugnay ng bagyong Jolina.
Kasunod na rin ito nang inaasahang paglabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ng bagyong Jolina mamayang gabi matapos pinakahuling mamataan ang sentro nito sa layong 240 kilometers kanluran ng Dagupan City sa Pangasinan.
Samantala, dahil sa bagyong Kiko, nasa public storm signal number 1 naman ang Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Northeastern portion ng Apayao at Isabela.
Ang sentro ng bagyong Kiko ay pinakahuling namataan sa layong 670 kilometers silangan ng Baler, Quezon taglay ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 195 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 240 kilometers kada oras.
Ipinabatid ng Pagasa na inaaasahang dadaan ang bagyong Kiko sa Timog at Kanlurang bahagi ng Batanes bukas ng gabi hanggang Sabado ng umaga kung kailan ito hihina at posibleng mag landfall sa mainland Cagayan at inaasahang dadaan din sa Babuyan Islands at Luzon Strait.