Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa northern Luzon hinggil sa posibilidad nang pagtataas ng public storm signals kaugnay sa bagyong Hanna.
Ito ayon sa PAGASA ay dahil sa lawak ng bagyo na umaabot ng 6 na kilometro kaya’t tiyak na aabutin ng malakas na hangin at ulan ang mga isla sa northern Luzon.
Samantala, dahil sa paghatak ng bagyong Hanna sa hanging habagat ay tiyak na uulanin ang Metro Manila ngayong weekend gayundin ang iba pang mga lugar na nasa western section ng bansa.
By Judith Larino