Ipinatupad na simula ngayong araw na ito ang bagong ticketing system sa isang istasyon ng Light Rail Transit (LRT) line 2.
Ang bagong tap and go ticketing system na katulad ng octopus cards sa Hong Kong ay mabibili sa LRT Legarda station.
Sinabi ni LRT Spokesman Hernando Cabrera na ipatutupad na rin ang bagong ticketing system sa iba pang istasyon ng LRT at MRT sa mga susunod na araw kapag naging matagumpay ang public testing ngayong araw.
Sa nasabing ticketing system, ipinabatid ni Cabrera na may kakayahan ang isang makina na maglabas ng single journey ar stored value cards na uubrang pa-loadan ng P11 pesos hanggang P10,000 at tatagal ng hanggang 4 na taon.
Layon ng hakbang na masolusyunan ang mahahabang pila sa mga istasyon ng LRT at MRT.
By Judith Larino