Posibleng hindi higpitan ang public transportation sa Metro Manila.
Ito’y kasunod ng pagpapatupad ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr., tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna kahit nakasailalim sa ECQ.
Target aniya mabakunahan kada araw ang 250 indibidwal.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na guidelines para sa transportation sector ng pamahalaan oras na ipatupad ang ECQ sa Metro Manila.
Samantala, nakapagtala na ng 216 na Delta variant cases sa Pilipinas.