Suspendido nang muli ang pampublikong transportasyon simula bukas, ika-4 ng Agosto.
Kabilang dito ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3, bus, taxi, jeepneys, Transport Network Vehicle Service (TNVS) at mga tricycle.
Una nang ini-anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bilang tugon sa panawagan ng health workers.
Sa ilalim ng MECQ, hinihikayat ang mga kumpanyang pinapayagang mag-operate na maglaan ng sasakyan o shuttle services para sa kanilang mga empleyado.
Ini-anunsyo rin ni Presidential Spokesman Harry Roque na ibabalik na rin ang paggamit ng quarantine pass para sa isang miyembro ng pamilya na syang mamimili ng araw-araw na pangangailangan.
Kabilang sa mga pinapayagan ang operasyon sa ilalim ng MECQ ang supermarkets, pharmacies, bank, export oriented firms at BPO.