Suspendido ang operasyon ng pampublikong sasakyan sa Davao Occidental simula sa Lunes, Setyembre 20 hanggang 26.
Ito ayon sa direktiba ni Davao Occidental Governor Claude Bautista ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lalawigan.
Setyembre 27 na balik operasyon ang public transportation sa Davao Occidental bagamat limitado sa 50% seating capacity.
Bukod sa suspensyon ng public transportation, epektibo rin sa Davao Occidental ang curfew mula 9pm-4am bagamat exempted ang APOR, liquor ban mula 7pm-4am at no movement o walang paggalaw sa araw ng Linggo.
Hanggang kahapon, Setyembre 17, ang Davao Occidental ay nakapagtala ng 2, 618 COVID-19 cases kung saan 749 ang active cases, 1, 804 ang naka-recover at 65 ang nasawi.