Nagkalat na umano ang mga tinatawag na ‘Satanic Rosary’ na ginawa at binasbasan umano ng mga tinaguriang Illuminati o grupong sumasamba kay Satanas.
Ito ang ibinunyag ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kasunod ng ilang nakumpiskang rosaryo mula sa mga kaso ng exorcism kung saan, may nakita silang marka ng satanic group.
Ayon kay Philippe de Guzman, assistant case officer ng Libera Nox o Office of Exorcism ng Diocese of Novaliches, hindi madaling matukoy kung satanic rosary nga ang hawak ng isang tao sa unang tingin dahil halos wala itong pagkakaiba sa regular na rosaryo.
Ngunit kapansin-pansin aniya ang araw na may sinag sa bahagi ng ulo ng nakapakong Hesukristo at may naka-ukit ding ahas sa Krus na nasa likod ng imahe ni Hesus.
Pinaniniwalaang may dalang sumpa umano ang satanic rosary kaya’t pinangangambahang magdulot ito ng kapahamakan sa tao at maka-engganyo ng masamang espiritu sa sinumang mayroon nito.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE