Hindi dapat pansinin ng mga Filipino sa social media ang mga clickbait link, lalo ang mga nagtatanong na “Ikaw ba ‘tong nasa video?’ upang maiwasan ang mabiktima ng Phishing Scheme.
Ito ang babala ng Philippine National Police sa mga Pinoy netizen sa gitna nang nagkalat na clickbait, gaya sa Facebook at TikTok.
Ayon kay PNP Spokesperson, Col. Jean Fajardo, hindi na dapat i-click ang mga account na nagpapadala ng mga spam message lalo kung hindi naman kilala ng mga user.
Idi-na-divert anya ng link ang user sa ibang page o account, na maaaring kumuha ng access sa personal accounts ng isang netizen, kabilang ang kanilang virtual cash wallets.
Samantala, inaalam na ng PNP Anti-Cybercrime Group kung sino o anong grupo ang nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing scam.