Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga sakit na uso tuwing tag-init.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, kabilang dito ay ang rashes, sore eyes, pagsakit ng tiyan at heat stroke.
Aniya, dapat ay panatilihing malinis ang mga inihahandang pagkain at maging maingat dahil madaling mapanis ang pagkain sa ganitong panahon.
Pinayuhan din ang lahat na panatilihing malakas at malinis ang katawan sa pamamagitan ng palagiang paliligo at pagkain ng masusustansyang pagkain.
Ugaliin din ang paggamit ng sumbrero at payong bilang proteksyon sa init ng araw at ang palagiang pag-inom ng walong baso ng tubig kada araw.