Nagbabala ang archdiocese ng Maynila ukol sa umanoy mga manloloko na ginagamit ang pangalan ni Manila Archbishop Lusi Antonio Cardinal Tagle.
Ayon kay Manila Cathedral Rector Fr. Reginald Malicdem, mayroong mga nang iimbita para sa isa umanong farewell mass at testimonial dinner para kay Cardinal Tagle.
Nanghihinge rin umano ng donasyon ang mga ito para kay Cardinal Tagle at ipinadedeposito sa isang account na naka pangalan sa isang Fr. Allen Albert Lagura.
Paglilinaw ni Malicdem, walang mangyayaring farewell mass at testimonial dinner para kay Tagle at hindi rin sila nangungulekta ng donasyon para sa kardinal.
Wala rin aniyang miyembro ng archdiocese na may pangalan na Fr. Allen Albert Lagura at hindi rin ito nakalista sa Catholic Directory of the Philippines.
Pinayuhan ang publiko na huwag maniwala at agad na isumbong sa mga otoridad sakaling lapitan ng mga taong may modus gamit ang kardinal.
Una nang itinalaga ng santo papa si Cardinal Tagle bilang pinuno ng Congregation for Evangelization of Peoples, dahil dito, kailangan lisanin ni Tagle ang bansa para sa kanyang bagong tungkilin sa Vatican.