Nagbabala sa publiko ang cybercrime expert ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa ‘Love Scams’ kung saan hinihingan ng pera ang mga biktima.
Ayon kay NBI–Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, ang nasabing mga scammer ay nagpo-profiling ng kanilang mga biktima bago makipag-ugnayan at madalas itong nangyayari sa mga social media site at mga dating app.
Madalas anyang sinasabi ng mga scammer na may sakit ang kanilang kaanak at ang mga kuwentong ito ay palaging may kasamang pakiramdam ng pagmamadali pero ang tunay na layunin ay makakuha ng pera mula sa biktima.
Nabatid na tumaas ang kaso ng love scams sa panahon ng pandemya dahil lahat ay online at karamihan ng mga salarin ay filipino.
Samantala, hinihikayat naman ang publiko na ipagbigay alam sa otoridad kung sila ay biktima upang mabatidang mga hakbang na dapat gawin. —sa panulat ni Mara Valle