Pinag-iingat ng National Telecommunications Commissions (NTC) ang publiko laban sa mga text message na ginagamit ang Sim Registration Law para makapanghingi ng mga personal information.
Ito’y matapos kumpirmahin ni NTC Deputy Commissioner Ella Lopez na kanila nang inatasan ang telecommunications company para i-block ang mga cellphone number o sim card na ginagamit para makapang-scam.
Sinabi ni Lopez na magtungo lamang sa official website at mga social media page ng mga telco para malaman ang proseso at ‘wag maniwala sa text messages na kumakalat na numero lamang ang nakikita.
Inaalam na rin ng NTC kung sino-sino ang mga nagpapadala ng mga text scam at nananamantala sa Sim Registration Law.
Bukas, December 27 ay simula na ang registration at ang mga bagong sim card na bibilhin ay awtomatikong deactivated na at kailangan muna i-register bago magamit.