Binalaan ng Philippine Space Agency (PHILSA) ang publiko kaugnay sa mga debris mula sa Chinese rocket na maaaring bumagsak malapit sa Burgos, Ilocos Norte at Sta. Ana, Cagayan.
Ito ayon sa PHILSA ay bagamat posibleng hindi naman din bumagsak sa kalupaan ang debris mula sa CZ-7A o long march 7A na may banta sa mga sasakyang pandagat at pang himpapawid.
Ipinabatid ng PHILSA na ang CZ-7A rocket ay inilunsad mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island, pasado alas-9:00 kagabi.
Katuwang ang CAAP, na verify ng PHILSA ang tinatayang drop zones ng rocket debris mula sa Notice to Airmen na inisyu ng Civil Aviation Administration ng China.
Kabilang anito sa drop zones ang 71 kilometers mula Burgos sa Ilocos Norte at 52 kilometers mula sa Sta. Ana, Cagayan.