Nagbabala ngayon ang Philippine National Police hinggil sa mga kumakalat na scare messages sa text, e-mail at social media ito’y kung saan sinasabing simula pa lamang ng mas malaking pag-atake ang nangyaring pagsabog sa Lamitan, Basilan na ikinasawi ng sampu katao.
Ayon kay PNP spokesman Senior Superintendent Benigno Durana, layon lamang ng naturang mga mensahe na maghasik ng pangamba sa mga mamamayan.
There is no specific threat on any particular target. Therefore, the text scare being spread around is untrue and obviously designed to create panic. Pahayag ni Durana
Iginiit nito na walang partikular na banta at wala ring koneksyon ang naganap na pagsabog sa Basilan at Masbate.