Pinag-iingat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang publiko kaugnay sa mga dispalinghadong tangke ng Liquefied Petroleum Gas o LPG.
Ayon kay Fire Officer 2 Gary Parchamento, Lecturer ng Fire Education Section ng Quezon City BFP, marami kasi ang namamahalan sa presyo mula sa mga accredited lpg dealers kaya’t lumilipat ito sa mga mura ngunit dispalinghado ang tangke.
At dahil mura, karaniwan aniyang kinakalawang, manipis ang tangke na ayon kay Parchamento ay takaw sunog at peligroso sa kaligtasan ng tao.
Ipinaliwanag pa ni Parchamento na madaling kumulo ang lamang LPG ng mga dispalinghadong tangke sa sandaling masindihan kaya’t mas makabubuti kung bibili na lamang mula sa mga lehitimong dealer nito.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal